Tuesday, September 11, 2012

Sarap Maging Bata by Sai Atizado

Naaalala mo paba nung ika'y bata pa?
kung sumuot ng tsinelas'y baliktad pa?
kinakagat ang lapis  kapag walang magawa
pag di nasunod ang gusto'y nagwawala?

Naaalala mo rin ba ang teacher na masungit?
na pag ika'y makulit ay may kurot ka sa singit?
eh ang pagkulay sa ulap ng berde?
at pag umuulan susuotin bagong kapote?

Ang sarap alalahanin panahong iyon
kapag tag araw, magpapalipad ng guryon
aakyat sa puno ng mangga
ang mahulog ang syang tyak na taya

Madalas kaba mapalo ng yong magulang
dahil ayaw matulog pagtapos ng tanghalian?
marahil nag sisisi kana ngayon,
sana ay natutulog ka nalang noon

Gusto mo ba ang pagyakap sayo ng iyong ina
sa tuwing di makatulog,at ikay kakantahan pa?
tapos unti-unti pipikit iyong mata
hay naku! nakaka miss talaga

Sana bata pa din ako
maglalaro ako ng tumbang preso
chinese garter at patintero
guguluhin si tatay sa pagkakarpentero

Nakakatawa panahong bata ka
nagagawa ang gusto at napakasaya
walang problema at inosente pa
pero ngayon lahat ay iba na

Ang kinabukasan ngayon ang inaatupag
responsable na at masipag
di na nakakatulog para kumita
sisipsip pa sa boss ng parang linta

Ang kabataan sa matanda'y tapos na
ang kabataan sa teen agers ay patapos na
pero kahit pa... di yun hadlang para mag saya
samantalahin pagkakataon habang ika'y bata pa

No comments:

Post a Comment