Tuesday, September 11, 2012

Gusto Kita by Sai Atizado


Sa aking pag iisa ikaw ang naiisip
maging sa pagtulog ikaw ang panaginip
mahirap mapasakin ang tulad mo
pero ikaw lang ang syang pangarap ko

Hindi imposinleng mahalin kita
dahil umaga palang nakangiti kana
ang tinig mong gumigising sa akin
ang mga titig na diko akalain

Ang gusto ko'y maging akin ka
mahagkat mayakap ka sinta
nais ko'y ika'y aking kasama
kahit sandali nang ako'y sumaya

Nalulungkot ako pag ika'y malungkot
pag ika'y masaya mundo ko'y umiikot
di ko malaman ang pakiramdam na ito
basta alam ko ika'y gusto ko

Ayoko ng kaibigan mo lang ako
nais ko'y mahalin mo din ako
imposible pero bakit di subukan
nais ko lang naman ika'y mahagkan

Ang hirap ng ganto
abot kamay kita pero eto padin ako
walang magawa at umaasa
ngunit di parin ako nawawalan ng pag-asa

Sana dumating panahong malaman mo ito
nang di karin nalilito
sa tuwing tayo'y nagkukwentuhan
sobrang gusto kitang halikan

Walang magawa dahil ako'y iyong kaibigan
pero handa padin kitang ipag laban
kahit lahat ng ito'y kabaliwan
basta, pangako mong di moko iiwan

Alam ko magugustuhan mo din ako
kahit ngayo'y tawag mo saki'y loko-loko
Naaalala ko ang mga ngiti mo
na ngpapatibok ng mabilis sa puso ko

Kaya kitang agawin sa kanya
pero di ko gagawin dahil mahal kita
dahil alam kong ika'y masaya
kapag kasama mo siya

Anong sakit man aking madama
basta masaya ka ay ayos na
pero sana malaman mo sinta
pag-ibig ko sayong tunay talaga

Mahal kita at di magbabago
hanggat kaya, aking itatago
kahit puso'y nagdurugo
maghihintay ako, hanggang mahalin mo rin ako

No comments:

Post a Comment