Madaming bagay sa mundo
na akala mo'y di pwedeng maging totoo
mga sitwasyon na pampelikula
pagmamahal na kung mawala'y tila bula
Maraming kwento ang uso
tulad ng akin, ngayon ko lang ikukwento
higit dalwang taon nagmamahal ng totoo
nagpabago sa aking buhay't pagkatao
Imposible sa unang tingin
bagay na pwedeng mawala sa ihip ng hangin
pero di ko lubos akalain
na sa simpleng kamusta ika'y mamahalin
Naging kaibigan, hanggang nagmahalan
mundo'y pinaikot at hinawakan ang kapalaran
guluhin man ng iba'y di papatalo
Kahit kaagaw ko pa'y tatlo
Simple ako magmahal
pag ako'y niloko handa akong manampal
ako ang tipong handang lumaban
basta para sa ating pagiibigan
Natatandaan ko pa buwan ng oktubre
walang tawagan kundi mare't pare
isang relasyon ang nabuo noong nobyembre
kwatro ang petsa at taong may nuebe
Puro saya, walang takot
pero ang abril sadyang nakakalungkot
madaming lumabas na sikreto
dahilan para sumuntok sa pader na konkreto
Pero eto ako ngayon, tamang timpla
sakto ang buhay kahit may umaapila
Maraming issue, pero akoy pagod na
nais ko lng naman ay maging masaya
Sa ngayon, buhay ko'y tuloy lang
kasama ang mahal kong nag iisa lang
Kahit minsa'y ako'y nasasaktan
AW! di kita kayang iwan
Matagal nadin pinagsamahan
Madaming pagsubok ang nilampasan
Pagmamahalang walang katapusan
problemang alam kong may hangganan
Nais kong malaman ng isa dyan
na pag ako nag mahal walang lokohan
dalwang taon lampas na ang lumipas
pero pag-ibig ko sayo di kukupas
Naalala ko mga labi na hanep ngumiti
mga titig na nakakapagpakagat labi
mga tawang musika sa aking pandinig
mga pick up lines na nakakakilig
Para sa akin ikaw na talaga
malayo man tayo sa isa't isa
gusto man kita, ngayo'y kasama
pero ok lang dahil pwede na, pag tayo'y kasal na
No comments:
Post a Comment