Tuesday, September 11, 2012

Nagmamahal Ako by Sai Atizado


Sa mundo dapat sigurado ka
dapat alam mo kung san ka masaya
walang bagay ang perpekto
maski nga relasyon minsa'y komplikado

Mahirap Gumising ng puro kaba
na tuloy tingin mo sa buhay puro hinala
ang relasyong akala mo ay masaya
yon pala'y may mga kalokohang di nakikita

Konti lang naman ang nais ko
mahalin mo ako ng totoo
pahalagahan at alagaan mo
at mahalin ng isang tulad mo

Ayoko ng dalawa kami sa buhay mo
dahil ikaw! isa ka lang sa puso ko
tao ako di manhid at may damdamin
alam ko na naman, kahit di mo aminin

Naaalala ko unang pagkikita
puno ng pagmamahalan at pagsinta
ang araw na napaka saya
kung san sinabi kong ikaw na talaga

Nagmamahal ako
at kahit kelan di kaya itago
kahit ako'y nasasaktan
nandito padin ako para ikaw'y samahan

Sana bukas paggising ko ay ok na
ayoko na ng hinala at kaba
mahirap mabuhay ng wala ka
pero pag ako nasaktan, humanda ka!

Nagmamahal ako, at ikaw yon
Kahit di mo maramdaman sa ngayon
pero darating din tamang pagkakataon
na ikaw at ako sa habang panahon

No comments:

Post a Comment