Madilim ang ulap
bitui'y walang kislap
luha'y unti-unting pumapatak
kasunod ng malakas na iyak
Ayokong mag-isa
nais ko'y may kasama
kasama ang aking pamilya
na syang aking ligaya
Sa aking pag-iisa
walang ginawa kundi magbasa
magsulat ng tula
kahit ang tema'y nakakaluha
Nakakabagot sa pamilya'y malayo
lungkot sa puso'y di maitago
ngunit walang magawa, dahil di pwede
kailangang magtrabaho nang buhay'y mapabuti
Di ko inaasahan aking makikilala
ang syang tunay kong kasama
di ko man sya nakikita
ngunit aking sya'y nadarama
napapawi ang lungkot
nawawala ang takot
mga kaba sa puso'y wala na
nagdulot sya sa puso ko ng saya
oo, nakalimutan ko sya noon
pero eto na ang pagkakataon
para ibalik relasyong naputol
sa akin ngayo'y walang makakatutol
isiping kasama mo sya
sa kabila ng iyong pangungulila
sya lang naman ang lumikha
bumuo sa ating katawan at mukha
marahil kilala mo na kung sino sya
Ako'y nagpaubaya sa kanya
mahal ko sya at ganun din sya
lahat tayo'y mahal nya
Kaya walang dapat ipag luksa
punasan ang matang may luha
ngumiti at wag matakot
dahil dyos natin ang papawi ng ating lungkot
No comments:
Post a Comment